Sabi ko na nga ba, maliit lang suswelduhin ko ngaung katapusan. Kasi nga kalahati na ng buwan nung ako'y magsimula dito sa bago kong trabaho. Di bale, ayos lang. Kita mo, dual currency pa sweldo ko. USD at VND. Taray! Ngaun lang ako nakahawak ng milyones. :P Kaso nga lang magkano rin lang halaga! Hahaha! Ano pa ba reklamo ko? At least kumikita na muli. Maari na namang makapag-remit. Hirap kasi ng wala. I know I'm blessed. Daming walang trabaho dyan. E ako, sobrang appreciated sa trabaho ngaun, sobrang in demand. Lahat ba naman ng projects damay ako. Ayoh! Paano ko kaya hahatiin sarili ko? Oh well, tingnan natin kung hanggang saan talents ko. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment